taya

Hindi ako sumasali sa habulan nung bata pa ako. Madali kasi akong mapagod kaya hirap akong tumakbo. Lagi tuloy ako ang natataya. At madalas pag ako na ang taya matagal muna bago may iba namang pumalit. Hirap akong makahabol sa iba.

Ayaw na ayaw ko yung pakiramdam nun. Lagi akong naiiyak sa t’wing nararamdaman kong napapagod na ako sa kakatakbo at wala pa rin akong natataya. Sa isip ko nagtatawanan yung mga ibang bata hindi dahil sa tuwa sa paglalaro kundi dahil sa ‘kin. Kapag nakita na nila sa mukha kong naiinis na ako kasi wala akong mataya. Asar talo. Kinalaunan, hindi na ako sumasali. Iwas na lang sa alam kong makakasakit lang naman sa akin.

Hindi ko alam pero ngayong hindi na ako bata, hindi na yata ako marunong umiwas sa mga ganung bagay. Sa kung anong alam kong makakasakit sa akin. Nitong mga nakaraan, nalilimutan kong hindi ako bullet-proof. Bakit ba kung kelan may malay na tayo at masasabing may mga naging karanasan na sa buhay, saka naman tayo mas madalas mahulog sa mga patibong? Karaniwan pa, mga patibong na, namamalayan man natin o hindi, ay gawa ng sarili nating mga kamay.

Taya. Taya. Taya. Pero hangin lang ang naaabot ng kamay ko. Hakbang. Hakbang. Takbo. Tigil. Abot. Hangin. Hakbang. Hakbang. Ikot. Abot. Hangin. Ikot. Takbo. Hakbang. Tigil. Hinga. Hingal. Hingal. Luha. Tutulo isa-isa. Patak. Patak. Buhos. Inis. Galit. Sa sarili. Pagod.

Bakit pakiramdam ko lagi na naman akong taya? At ang hirap, hirap umalis sa pwestong ito.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s